Please consider supporting us by disabling your ad blocker.


Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors.

Napahahalagahan ang tugon ng pamahalaan at mamamayan sa Pilipinas sa mga isyu ng diskriminasyon.

Pangunahing tagapagpatupad “primary duty bearer” ayon sa Magna Carta for Women.

  • PAMAHALAAN

Isang batas na naglalayong protektahan ang mga kababaihan at mga anak na wala pang 18 taong gulang at nagbibigay lunas at proteksiyon sa mga biktima nito

  • ANTI-VIOLENCE AGAINST WOMEN AND THEIR CHILDREN ACT

Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women

  • CEDAW

Mga babaeng nasa panganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan, mga biktima ng “illegal recruitment”, “human trafficking” at mga babaeng nakakulong.

  • WOMEN IN ESPECIALLY DIFFICULT CIRCUMSTANCES

Batas na naglalayong alisin ang lahat na uri ng diskriminasyon laban sa mga kababaihan.

  • MAGNA CARTA FOR WOMEN

 

CONVENTION ON THE ELIMINATION OF ALL FORMS OF DISCRIMINATION AGAINST WOMEN (CEDAW)

Ito ay karaniwang nilalarawan bilang International Bill for Women, kilala din ito bilang “The Women’s Convention” o
United Nations Treaty for the Rights of Women. Ito ang kauna-unahang internasyunal na kasunduan na tumatalakay sa
karapatan ng mga kababaihan hindi lamang sibil at pulitikal na larangan kundi sa aspetong kultural, ekonomiya, lipunan at
pamilya. Noong Ika-18 ng Disyembre 1979, ito ay naaprubahan ng United Nations General Assembly panahon ng UN
Decade for Women. Taong 1980, ika-Hulyo 15, pumirma ang Pilipinas sa CEDAW at niratipika noong Agosto 5, 1981.
Ang kawalang katapusan na diskriminasyon sa mga kababaihan ang patuloy na nag-uudyok sa pamahalaan na
gumawa ng mga hiwalay na batas bukod sa CEDAW upang mapangalagaan at maipagtanggol ang karapatang pantao ng
mga kababaihan.

➢ Epekto ng Convention on the Elimination of All forms of Discrimination Against Women (CEDAW) sa Pilipinas
Laganap pa din ang diskriminasyon at di pagkakapantay-pantay sa karapatan ng kababaihan sa ating bansa at ang
estado ay may tungkulin na bigyang solusyon ang lumalalang isyu na ito. Tungkulin nila na igalang, ipagtanggol, itaguyod
ang kakayahan, kapakanan at karapatan ng mga kababaihan.
Ang estado ay inaasahang:
1. Ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina.
2. Ipatupad ang lahat ng patakaran upang wakasan ang diskriminasyon. Magkaroon ng epektibong mekanismo
at sistema sa pagdinig ng hustisya paglabag sa karapatan ng kababaihan.
3. Itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t ibang hakbang, kondisyon at karampatang
aksyon.
4. Gumawa ng pambansang ulat kada apat na taon tungkol sa mga isinasagawang hakbang para matupad ang
mga tungkulin sa kasunduan.

➢ Mga karaniwang naaapektuhan ng diskriminasyon sa Pilipinas

• Trabaho
• Pulitika
• Reproductive Health
• Pagbebenta at karahasan laban sa
kababaihan at mga kabataan

• Kababaihan sa kanayunan
• Katutubong kababaihan
• Kababaihang mayroong kapansanan
• Oryentasyon ng kasarian
• Kababaihan at digmaan

➢ Paano wawakasan ang diskriminasyon sa kababaihan ayon sa CEDAW?
1. Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan. Inaatasan ang estado na
magdala ng konkretong resulta sa buhay ng kababaihan.
2. Kasama dito ang prinsipyo ng obligasyon ng estado. Ibig sabihin, may mga responsibilidad ang estado sa
kababaihan na kailanma’y hindi nito pwedeng bawiin.
3. Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksyon o patakarang uma-agrabyado sa kababaihan at sa anumang layunin
ng mga ito.
4. Inaatasan nito ang estado na sugpuin ang anumang paglabag sa karapatan ng kababaihan hindi lamang ng
mga institusyon at opisyal sa gobyerno, kundi pati ang mga pribadong indibidwal o grupo.
5. Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng karapatan ng mga babae, at hinahamon
nito ang estado na baguhin ang mga stereotype, at mga gawi na nagdidiskrimina sa babae.

 

❖ MAGNA CARTA FOR WOMEN

Ang R.A 9710 o mas kilala sa tawag na Magna Carta for Women ay kalipunan ng mga batas na naglalayong
mapatibay ang kakayahan ng mga kababaihan na gumawa at makilahok sa politikal, sosyal, ekonomiko na usapin ng
walang diskriminasyon. Isinusulong nito ang pantay na turing sa dalawang kasarian. Ang saklaw ng magna carta ang mga
batang babae, matatanda, may mga kapansanan, marginalized women, at women in especially difficult circumstances.
Nakapaloob dito ang ilang sa mga sumusunod na batas:
a. Proteksyon mula sa karahasan – ang bawat kababaihan sa bansa ay nasa ilalim ng proteksyon ng estado, mas
papalaganapin ang mga pagsasanay sa mga kababaihan ukol sa mga trabahong polisiya, mayroon din pagsasanay sa
“gender sensitivity” ang estado.
b. Proteksyon mula sa naranasang mga trahedya o kapahamakan – pagbibigay proteksyon sa mga kababaihan na
nakakaranas o nakaranas ng kapahamakan at bibigyan ng tulong ng estado.
c. Pantay na representasyon at partisipasyon sa pulitika at pamamahala – ito ay ang pagbibigay sa mga kababaihan
ng karapatan na maging kasapi ng mga organisasyong political, kapangyarihan, mapakinggan ang saloobin at opinyon.
d. Pantay na pagkakataong magkamit ng edukasyon – pagkamit ng pagsasanay, scholarships at makakuha ng
mataas na antas o degree.
Responsibilidad ng Pamahalaan:
1. Bigyang proteksyon ang kababaihan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at ipagtanggol ang kanilang karapatan.
2. Maglatag ang pamahalaan ng mga nararapat at mabisang pagpapatupad ng mga batas patakaran at programa
para sa mga kababaihan.
3. Pagrepaso o pag-alis ng mga batas, patakaran at mga polisiya na nagpapalala sa diskriminasyon laban sa
kababaihan.

 

❖ PRINSIPYO NG YOGYAKARTA

Ang prinsipyong ito ay mula sa Yogyakarta, Indonesia noong Nobyembre 2006. Ito ay isang dokumento na binubuo
ng 29 na prinsipyong naaayon sa Pandaigdigang Batas ng mga Karapatang Pantao (Universal Declaration of Human
Rights) naglalaman ng mga karapatang pantao na patungkol sa kasarian at oryentasyong sekswal. Maraming prinsipyo
ang nakapaloob dito, narito ang ilan:

• Ang karapatan sa unibersal na pagtatamasa ng mga karapatang pantao.
• Ang karapatan sa pagkakapantay-pantay at kalayaan sa diskriminasyon.
• Ang karapatan sa buhay.
• Ang karapatan laban sa torture o pagmamalupit at ang makahayop o mapanghiyang pagtrato sa tao.
• Ang karapatan sa trabaho.
• Ang karapatan sa edukasyon
• Ang karapatan na makilahok sa buhay-pampubliko.

➢ MGA ORGANISASYON NA SUMUSUPORTA UPANG WAKASAN ANG DISKRIMINASYON
1. Philippine Alliance of Human Rights Advocates (PAHRA) – itinatag noong 1986 na nilahukan ng 100
organisasyon. Ito ay naglalayon na itaguyod, pangalagaan at isakatuparan ang tunay na pag-iral ng mga
karapatang pantao sa bansa.
2. KARAPATAN: Alliance for the Advancement of People’s Rights – naitatag taong 1995, ito ay may programa na
magkaroon ng mataas na antas ng kamalayan ang mga mamamayan sa kanilang mga karapatan.
3. Free Legal Assistance Group (FLAG) – ito ay isang pambansang grupo ng mga human rights lawyer na
nagtataguyod at nangangalaga sa karapatang pantao. Itinatag ito taong1974, nina Jose Diokno, Lorenzo
Tanada Sr. at Joker Arroyo. Isa sa mga adbokasiya ng grupo ay ang paglaban sa pag-uusig sa mga indibidwal
sa kadahilanang politikal at pang-aabuso ng militarismo.
4. Philippine Human Rights Information Center (PHRIC) – isang organisasyon na nakarehistro sa SEC simula pa
taong 1994. Konektado ito sa United Nations Department of Public Information at sa UN Economic and Social
Council. Hangad ng samahan na magkaroon ng bansang may kultura ng pagkakapantay-pantay ng mga tao.

About admin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *